Monday, July 30, 2012



Ano nga ba ang Ekonomiks?

  ito ay isang pag-aaral kung paano gagamitin ang mga limitadong pinagkukunang yaman upang makagawa at maipamahagi ang ibat-ibang produkto at serbisyo sa mga Tao at ibat-ibang pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at hinaharap. 

Ang ekonomiya ng Pilipinas ngayon ay maraming suliranin .


Ito ang Isa sa mga Kinakaharap na Problema ng Pilipinas :





Paglaki ng Populasyon

Bakit nga ba lumalaki ang Populasyon ?

► Una, Dahil sa kahirapan at kawalan ng trabaho ng mga tao.

►Kulang din sa programa ang pamahalaan tungkol sa Family Planning.

►Maagang Pag-aasawa at pagbubuntis.

►Ang panganganak ng marami at hindi naman kayang  pakainin o alagaan .



Paggawa ng Teorya :


Maraming kakambal na problema ang malaking populasyon, 
Kung malaki ang populasyon ng Pilipinas ang epekto nito ay kahirapan

Unang-una ang kahirapan na mayroong sanga-sangang epekto  gaya ng gutom, krimen, corruption, kawalan ng tamang edukasyon, unemployment at iba pa.

Ang malaking populasyon ay may negatibong epekto sa kalikasan.  Kung malaki ang populasyon, nai-stress ng husto,  at kinukulang ang natural resources ng isang bansa at kasabay na nakokonsumo ang enerhiya.

Andiyan din ang suliranin sa basura at polusyon sa paglobo ng populasyon. Nagkakaroon ng poulsyon sa Lupa , tubig at hangin

Ang paglobo ng populasyon ay nagdudulot din ng negatibong epekto sa moralidad. Kapag kumakalam ang sikmura ng isang pamilya, hindi na maituro ang tamang prinsipyo at magandang asal sa mga bata. Imbes na respeto at pagmamahal sa kapwa ay ‘survival instinct’ ang namamayani sa mga tahanan.

Nagkakaroon ng kakulangan ng oportunidad sa hanap -buhay.





Paglikom ng Datos


Graph ng Populasyon ng Pilipinas mula Enero 2000 hanggang Hulyo 2012


Pinakamalalaking Populasyon sa Daigdig,2007
Bansa
Populasyon
China
1,321,851,888
India
1,129,866,154
US
301,139,947
Indonesia
234,693,997
Brazil
190,010,647
Pakistan
169,270,617
Bangladesh
150,448,339
Russia
141,377,752
Nigeria
135,031,164
Japan
127,467,972
Mexico
108,700,891
Philippines
91,077,287
Vietnam
85,262,356
Germany
82,400,996



Pagsubok sa Teorya:



Sa kasalukuyang sistema ng Pilipinas, ang mga taong naghihirap ang siyang may pinakamaraming bahagi sa populasyon ng bayan. Hindi masama ang paglobo ng populasyon sa Pilipinas kung ang lahat ng pangangailangan ng mamamayan ay natutugunan ng pamahalaan. Isang senyales ng magandang pamunuan ang malaking populasyon at epektibong serbisyo at naaabot ang mga basic needs ng bawat isa. Ngunit makikita sa panahong ito na kung sino pa ang mahirap ay siya pa ang madami at napagkakaitan ng kanyang mga pangangailangan.




Konklusyon:


  • Bilang estudyante maipapayo kong malulutas lng ang paglago ng populasyon sa pilipinas kung ipapatupad ang 2 child policy at magkaron ng family planning sa bansa
  • Ang pamahalan ang dapat kumilos sa suliranin na ito. Isulong ang pabahay sa mga eskwater dahil isa ang mga nakatira sa kalye ang nagpaparami sa populasyon sa bansa..
     Kailangan ay magsumikap tayo sa buhay at makapag - aral ng mabuti para makahanap ng magandang trabaho .. Dapat din nating pag - isaipan kung kaya nating buhayin ang magiging anak natin . at higit sa lahat huwag tayo mag - asawa ng maaga ..

    Sana ay may natutuhan kayo sa aking blog ^^